Dalaga kinidnap ng kakilala
MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga otoridad ang isang 29-anyos na dalaga sa kamay ng apat nitong kidnaper nang salaÂkayin ang pinagkukutaan ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Tanauan, Batangas.
Ang biktima na nailigtas ay si Jenna Mae Cariaga, graphic artist. Habang naaresto ang mga suspek na sina Kenneth Kalaw alyas “Kanutoâ€, 37, may-asawa, caretaker ng tinaguriang “White House†sa Gonzales, Tanauan, Batangas, residente ng Barangay Pangao, Lipa City; Rodel Roxas, 38, tricycle driver; Reynaldo Borja, 24, helper at Raymond Marquez, 18, helper, pawang residente ng Brgy. Tinurik, Tanauan, Batangas.
Batay sa ulat, humingi ng saklolo ang ama na si Armando Cariaga hinggil sa pagkawala ng anak sa inuupahang condominium unit sa Grand Tower 1 sa Ocampo St., Malate noong Hunyo 9, 2014.
Nakita sa closed circuit television (CCTV) footage na kasamang umalis sa condo ng biktima ang suspek na si alyas “Kanutoâ€.
Dahil kilala ng ama ng biktima ang suspek ay agad nitong natunton ang kinaroroonan nito at sa pakikipagtulungan ng miÂsis ng suspek na si Kanuto.
Sinalakay ang kuta dakong alas-6:00 ng gabi nitong Huwebes at dito ay natagpuan ang biktima na nakahiga, umiiyak at ikinulong sa isang sofa bed na may secret closet.
Naaresto ang apat na suspek sa servants quarter at nakumpiska ang tatlong patalim, isang shotgun at ilang paraphernalia sa pagsinghot ng shabu.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung nobyo o manliligaw ang suspek na si Kanuto na isang pamilÂyadong tao at wala pang ulat kung nanghihingi ng ransom ang mga suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.
- Latest