^

Police Metro

Race car champ patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng riding in tandem suspek ang isang sikat na Pinoy race car driver habang sugatan naman ang hel­per sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasa­wing si Ferdinand Pastor, alyas Enzo, 31, at residente sa no. AA206 Galleria De Magallanes, Lapu-Lapu St., Makati City.

Nasugatan naman ang kasama nitong si Paolo Salazar, 20, binata ng Baay, Lingayen Pangasinan.

Sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-10:20 ng gabi sa kahabaan ng Congressional Avenue, kanto ng Visayas Avenue, Brgy. Pasong Tamo ay galing ang biktima sa Batangas Racing circuit sakay ng isang truck (WSC-331) patungong Clark International Speedway para sa isang racing competition.

Sinasabing binabagtas ng truck ang Congressional Avenue at pagsapit sa Visayas Avenue ay inabutan sila ng stoplight.
Habang naghihintay ng go signal ay biglang sumulpot ang isang la­laki at pinagbabaril si Pastor, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Salazar.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng kanilang motorsiklo.

Naitakbo pa ang mga biktima sa Quezon City General Hospital, suba­lit idineklarang dead on arrival si Pastor.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo at dalawang tingga ng kalib­re 45 baril na ginamit ng salarin sa pananambang.
   Si Pastor ang kauna-unahang Pinoy na tumanggap ng All Star Award sa Night of Champions sa National Association for Stock Car Auto Racing (NASCAR) Gala noong Dis­yembre 2013 sa North Carolina matapos ma­ging overall champion sa EURO-NASCAR.
Lalaban pa sana ito sa Hulyo para sa fifth leg ng karera sa Clark International Speedway.-Ricky T. Tulipat-

 

ALL STAR AWARD

BATANGAS RACING

CLARK INTERNATIONAL SPEEDWAY

CONGRESSIONAL AVENUE

FERDINAND PASTOR

GALLERIA DE MAGALLANES

LAPU-LAPU ST.

LINGAYEN PANGASINAN

VISAYAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with