^

Police Metro

Filter ng sigarilyo gawing biodegradable

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Mi­riam Defensor-Santiago na gawing biodegradable ang filters ng mga sigarilyong ipinagbibili sa bansa, matapos maratipikahan ng Senado ang panukalang batas na nag-uutos maglagay ng graphic health war­nings sa mga pakete ng sigarilyo.

Sinabi ni Santiago na nakakadagdag ang mga filters ng sigarilyo sa tone-toneladang barusa sa bansa.

Ang filters aniya ng sigarilyo ay kabilang sa mga “most commonly discarded piece of waste” at tinatayang umaabot sa 1.69 bilyon pounds ng  filters ang naiipong toxic trash sa buong mundo sa loob lamang ng isang taon.

Ipinunto pa ni Santiago na ang filters ng sigarilyo ay hindi natutunaw o bumabalik sa lupa at nagiging banta pa ito sa daluyan ng tubig at posibleng maging sanhi ng pagbabara ng mga drainage.

Malaking tulong aniya sa kalikasan kung gagawing biodegradable at mababawasan ang posib­leng chemical reactions ang filters ng mga  yosi.

Ang Senate Bill 2276 o Biodegradable Cigarette Filters Act of 2014 ni Santiago ay itinulad sa Senate Bill No. 3427 ng  New York State Assembly.

Sa sandaling maging ganap na batas papatawan ng hindi lalampas sa P250,000 multa ang mga indibiduwal o korporasyon na lalabag sa kautusan.

 

ANG SENATE BILL

BIODEGRADABLE CIGARETTE FILTERS ACT

DEFENSOR-SANTIAGO

FILTERS

IPINUNTO

NEW YORK STATE ASSEMBLY

SENATE BILL NO

SENATOR MI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with