^

Police Metro

Baril inakalang laruan... 4-anyos utas sa 6-anyos utol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Inakala ng isang 6-anyos na batang lalaki na ang nakuhang baril sa drawer ng ama ay isang laruan kung kaya’t ipinutok niya ito sa ulo ng 4-anyos na kapatid na kanyang kalaro naganap kamakailan sa Olongapo City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa St. Jude Hospital dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ay itinago sa pangalang Junjun, 4-anyos.

Halos tulala naman ang kuya na itinago sa pa­ngalang Aljohn nang makitang duguang bumagsak ang kapatid.

Sa salaysay ng ama ng magkapatid na si Eder  Villarin, 35, driver sa Customs Port of Subic, Subic Bay Freeport Zone na kamakalawa lamang niya naireport sa pulisya ang pangyayari dahil sa sobrang depresyon sa nangyayari sa kanyang pamilya.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng bahay ng pamilya Villarin na  matatagpuan sa  #2710 Rizal Avenue, Upper Sibul 1, East Bajac-Bajac ng lungsod ay kasalukuyang natutulog ang ama nang magising ito sa malakas na putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok ay nakita nito na duguang nakabulagta ang bunsong anak na si Junjun habang si Aljohn naman ay nakatulalang umaagos ang luha at nasa tabi nito ang cal. 45 pistol.

Sa imbestigasyon ng pulisya ang nasabing baril ay pag-aari ni Jhobal Sebarrotin, 30-anyos, residente ng Botolan, Zambales at ipinatago lang sa ama ng magkapatid dahil kaibigan ito.

Itinago ng ama sa drawer ng cabinet  sa kanilang bahay at dahilan sa sobrang kalikutan ay nakita ng paslit nitong anak na inakalang laruan kaya ipinutok sa kaniyang nakababatang kapatid.

 

ALJOHN

CUSTOMS PORT OF SUBIC

EAST BAJAC-BAJAC

JHOBAL SEBARROTIN

JUNJUN

OLONGAPO CITY

RIZAL AVENUE

ST. JUDE HOSPITAL

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

UPPER SIBUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with