^

Police Metro

3 pork solons pwedeng ikulong sa Fort Sto. Domingo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinokunsidera ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna na pinagkukulungan ni Janet Lim Napoles na doon din ikulong sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada  at Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos kasuhan ng plunder sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

Magugunita na una nang inihayag ng opisyal na inihahanda na ng PNP ang PNP Custodial Center na pinapinturahan at ini-renovate para pagkulu­ngan sa tatlong pork barrel solons.

Nabatid pa sa opisyal na pare-pareho ang di­senyo at ang lawak ng sukat ng kulungan ng mga high profile detainees sa Fort Sto. Domingo.

Subalit, mas nangi­ngibabaw pa rin ang posi­bilidad na sa PNP-Custo­dial Center ipiit ang tatlong Senador na ang selda ay matagal nang nakahanda.

Nilinaw naman na ti­tingnan pa ng PNP ang magiging mga kaganapan sa kaso bago nila irekomenda sa Fort Sto. Domingo ipiit ang tatlong Senador.

Magugunita na sa Fort Sto. Domingo rin nakulong si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada  na naharap sa kasong plunder noong 2001 gayundin si dating ARMM Governor Nur Misuari na kinasuhan naman ng rebelyon sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

vuukle comment

CUSTODIAL CENTER

DOMINGO

FORT STO

GOVERNOR NUR MISUARI

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

MAGUGUNITA

MANILA MAYOR JOSEPH

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with