PDEA, pabor sa mandatory drug test sa mga convicted
MANILA, Philippines - Pabor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa proposed bill para sa mandatory drug testing ng lahat ng nahatulan, parolado, probationers at mga naarestong personalidad na nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga.
Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., suportado ng kanilang ahensya ang House bill (HB) 2777, na inindorso at inaprubahan ni House Committee on Dangerous Drugs chaired Rep. Vicente Belmonte Jr.
Ang panukalang batas, ay pinonente ni Party List Rep. Samuel Pagdilao Jr., ng Anti-Crime and Terrorism-Community Involvement and Support (ACT-SIS), na inaatasan na ang lahat ng preso at mga napalaya sa pamamagitan ng probation o parole na sumailalim sa drug testing kada anim na buwan.
Nakasaad din sa panukala na lahat ng accreÂdited forensic government at drug testing laboratories na minomonitor ng Department of Health, na pangunahan ang drug tests at bantayan ang kalidad ng mga resulta.
Ayon pa kay Cacdac, kahit mula nang makulong, ang monitoring sa mga napapalayang preso sa pamamagitan ng random drug testing ay makakatiyak ng kanilang episyenteng integrasyon sa lipunan.
- Latest