^

Police Metro

Sunog sa QC, sunog sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang magkahiwalay na sunog ang naganap sa Maynila at Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Bureau of Fire Protection chief Supt. Jesus Fernandez, ang u­nang sunog ay naganap sa gusaling Delta Milling Industries na matatagpuan sa  #102-104 E. Rodriguez Jr., Avenue, Brgy. Bagumbayan sa Quezon City.

Ang nasabing gusali na may limang palapag at may roofdeck ay pag-aari ng isang Edwin Lim.  Nagsimula ang sunog sa power room ng gusali na nasa unang palapag nito, dakong alas-12:48 ng madaling araw.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente, habang inaalam pa ang sanhi nito.

Ang ikalawang sunog ay naganap naman sa isang residential area sa Tondo. Maynila.

Ayon kay Manila Fire Marshal Supt. Jaime Ramirez,  limang bahay sa Raxabago St., Tondo, ang nasunog bagamat tatlo lang dito ang totally burned, habang dalawa naman ang partially burned. Nagsi­mula ang sunog ng alas 5:04 ng hapon na umabot sa ika-apat na alarma.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil ay kalumaan na ang mga kabahayan, na pinaghalong light materials at konkreto. Wala ring nasaktan at nasawi sa nasabing sunog.

 

vuukle comment

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DELTA MILLING INDUSTRIES

EDWIN LIM

JAIME RAMIREZ

JESUS FERNANDEZ

MANILA FIRE MARSHAL SUPT

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with