Hindi nabigyan ng immunity... Mga ari-arian ni Janet, samsamin na
MANILA, Philippines - Dapat anyang simulan na ng gobyerno ang hakbang para masamsam ang lahat ng ari-arian ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.
Ito ang inihayag kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter CayeÂtano matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang kahilingan ni Napoles na magkaroon siya ng immunity na pumabor naman sa whistleblower na si Benhur Luy at iba pang testigo sa P10 bilyon pork barrel fund scam.
Bukod dito ay ibinasura rin ng Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain nina Senators Juan Ponce-Enrile, Jose “Jinggoy†Estrada at Ramon “Bong†Revilla, Jr. na nahaharap sa kasong plunder at katiwalian dahil sa paratang na nakinabang sila sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Anya, tama lamang ang naging desisyon ng Ombudsman at maari ring kunin ng gobyerno ang ari-arian ni Napoles.
Nakasaad aniya sa Republic Act 6770 at Republic Act 1379, na may kapangyarihan ang Ombudsman na magsagawa ng isang preliminary investigation sa civil forfeiture base sa reklamo ng isang mamamayang nagbabayad ng buwis.
Kinuwestiyon din ni Cayetano kung may naghain na ng forfeiture case laban sa mga senador na nahaharap sa kasong plunder.
Kumpara aniya sa kasong plunder at graft, mas mabilis na pag-usad ng forfeiture case.
Una nang nagpalabas ng isang freeze order sa mga bank accounts at properties ni Napoles ang isang korte sa Maynila matapos maghain ng “petition for civil forfeiture of assets†ang Anti-MoÂney Laundering Council (AMLC).
- Latest