Kadiring litrato sa pakete ng sigarilyo, ilalagay na!
MANILA, Philippines - Aprubado na sa House Committee on Health ang panukalang batas na naglalayon lagyan ng nakakadiring litrato ang mga pakete ng sigarilyo.
Layunin umano ng panukala na mabawasan pa ang bilang ng mga naninigarilyo at ipamulat sa kanila ang masamang epekto nito sa kalusugan.
Ang panukala ay isasalang sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara de Representantes. KailaÂngan itong pumasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa para maipadala sa Senado na kailangan ding magpasa ng kanilang bersyon.
Subalit isa sa hindi napagkasunduan sa komite kung gaano kalaki ang litrato na ilalagay sa mga pakete.
Sa panukala, nais gaÂwing 85% ng pakete ang laki ng litrato subalit kinontra naman ito ng mga kompanya ng sigarilyo na sinabi na sapat na ang 30%. Sa bandang huli ay nagkasundo na ang mga ito na gawin itong 40% kaya naipasa na ang panukala sa committee level.
- Latest