^

Police Metro

Tandem patay sa hinoldap na pulis

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang nagkamali nang hoholdapin ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos makipagbarilan sa isang pulis na kanilang hinoldap at tangkang kunin ang dala nitong motorsiklo kahapon ng tanghali sa Governors Drive, Sitio Piela, Brgy.Sampaloc 3 Dasmariñas City, Cavite.

Wala pang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na holdaper.

Nakilala naman ang pulis na si PO2 Francis Hernandez, 32-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Dasmariñas City police at residente ng Brgy. Paliparan ng lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-12:15 ng tanghali ay  sakay si PO2 Hernandez na noon ay nakasibilyan sa kanyang bagong bili na motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive.

Biglang bumuhos ang ulan kung kaya’t pansamantala itong huminto at tumabi sa isang tindahan at habang hinihintay ang pagtila ng ulan ay duma­ting ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang bumaba at agad na tinutukan ang biktima at sapilitang kinuha ang susi ng motorsiklo.

Agad na ibinigay ni Hernandez ang susi at  patakas na  ang mga suspek ay dito na nagpakilala si PO2 Hernandez na isang pulis.

Sa halip na sumuko ay mabilis na tumakbo palabas ng tindahan ang mga suspek at dito agad na pinaputukan si PO2 Hernandez na hindi tinamaan.

Gumanti ng putok si PO2 Hernandez at ilang minuto na palitan ng pu­tok ay nakitang bumulagta ang dalawang suspek.

Nabatid na kakatapos lamang ni PO2 Hernandez sa 8 bullet test na kada buwan na isinasagawa ng kanilang himpilan upang maging asintado ang mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang gamit nilang motorsiklo, 1 cal 38 na baril, mga cellphone at pera.

 

BATAY

BIGLANG

BRGY

CAVITE

DASMARI

FRANCIS HERNANDEZ

HERNANDEZ

SITIO PIELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with