Pagkidnap sa 6 kawani ng DENR inako ng NPA rebels
MANILA, Philippines - Inamin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sila ang may kagagawan nang pagdukot sa anim na surveyors ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Mayo 30 habang nag-iinspeksyon ang mga ito sa Brgy. New Leyte, Maco, Compostela Valley.
Ito ang inihayag ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern MinÂdanao Command (AFP-Eastmincom) matapos magpalabas ng kalatas ang isang Daniel Ibarra, tagapagsalita ng NPA sa SouÂthern MinÂdanao at inamin na sila ang responsable sa pagbihag sa anim na surveyors ng DENR.
Kinilala ang mga bihag na sina Kendrick Wong, Nico Lasaca, Chris Favila, Matthew Cua, Jonas Loredo at Tim Sabina.
Binihag ito ng mga armadong kalalakihan matapos na maaktuhang nagsu-survey gamit ang drone sa kagubatan kaugnay ng National Greening Program (NGP) ng pamahalaan ng nasabing bayan.
Samantala, pasado alas-12:00 ng tangÂhali nang palayain ang mga ito ng NPA reÂbels at dinala kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
- Latest