^

Police Metro

3 killer ng hepe utas sa resbak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang tatlong katao matapos pagbabarilin ng kaanak ng isang hepe ng pulisya na kanilang pinatay matapos na sumugod ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Dalawa sa tatlong nasawi ay kinilalang sina Omar Guro at Ibrahim Bansuan; pawang may nakabimbing kasong illegal possession of firearms at robbery at isa pang hindi natukoy ang pagkakakilanlan.

Pinaghihinalaan na ang mga nasawi ay may kagagawan umano nang pamamaslang sa dating hepe ng Mother Kabuntalan Police na si Inspector Tongan Namla noong Marso 26 ng taong ito.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 nang gabi ng sumugod ang tatlo sa bahay ni Namla upang  umano’y linisin ang kanilang pangalan sa krimen nang paulanan sila ng bala ng mga kamag-anak ng nasawing opisyal.

Nakipagpalitan naman ng putok ang mga suspek sa mga kamag-anak ni Namla na  ilan ay mga  pulis umano na nakatalaga rin sa lalawigan ng Maguindanao na ikinasawi ng tatlo.

Narekober mula sa bangkay ng isa sa mga napatay na suspek ang baril ni Namla na tina­ngay ng mga ito noong pagbabarilin at mapatay ang nasabing opisyal.

 

BATAY

DATU ODIN SINSUAT

IBRAHIM BANSUAN

INSPECTOR TONGAN NAMLA

MAGUINDANAO

MOTHER KABUNTALAN POLICE

NAMLA

OMAR GURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with