^

Police Metro

Kinidnap na turistang Chinese at Pinay sa Malaysia pinalaya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Sulu ang isang turistang Chinese at Pinay na halos dalawang buwan sa kamay ng mga bandido matapos na dukutin sa Semporna, Malaysia.

Kinumpirma kahapon ni PNP Task Force Sulu Commander Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., na pinakawalan na ang mga bihag na sina Gao Hua Yun, 29 at Marcy Dayawan, 40, isang OFW sa Malaysia.

Dinukot ang mga ito noong Abril 2 ng Abu Sayyaf matapos salakayin ang  Singamata Reef Resort sa Malaysia’s  Sabah State kung saan itinago sila sa Sulu.

 Bandang alas-10:25 ng umaga nang pakawalan ang mga bihag sa Sitio Kahoy Sinah, Brgy. Tanduh Pugot, Sulu at bandang alas-5:00 naman ng hapon nang makabalik na sa Sabah, Malaysia ang dalawang bihag at makasama ang kanilang mga pamilya sa tulong ng Royal Malaysian Police.

 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AGRIMERO CRUZ JR.

GAO HUA YUN

MARCY DAYAWAN

ROYAL MALAYSIAN POLICE

SABAH STATE

SINGAMATA REEF RESORT

SITIO KAHOY SINAH

TANDUH PUGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with