Gov. Ejercito bumaba na sa puwesto
MANILA, Philippines - Matapos na pakiusapan ng kanyang tiyuhin na si Manila Mayor Joseph Estrada na lisanin ang puwesto ay kusang bumaba si Laguna Governor Ramon “ER†Ejercito na pinatalsik ng Comelec.
Kahapon ng umaga ay dumating sa kapitolyo si Estrada lulan ng aircraft.
Nabatid na nakumbinse ni Estrada si Ejercito na pansamantalang umalis sa kapitolyo.
Una nang isinilbi ng Interior and Local GoÂvernment ang ‘writ of execution’ kay Ejerctio kasunod ng kautusan ng Comelec na nagdidiskuwalipika rito sa puwesto dahil umano ng overspending noong May 2013 elections.
Naging normal ang sitwasyon sa lalawigan matapos na magsialis na rin sa provincial capitol ang mga supporters nina Ejercito at ng bagong talagang gobernador na si Ramil Hernandez.
Si Ejercito ay una na ring tumangging lisanin ang kaniyang tanggapan habang hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema sa kaniyang inihaing mosyon habang si Hernandez naman ay napilitang mag-upisina sa gymnasium.
Bago nilisan ang kapitolyo ay nagtalumpati pa si Ejercito na pansamantala lamang ang kaniyang pag-alis sa puwesto at hihintayin pa niya ang desisyon ng Korte Suprema para isaayos at resolbahin ang kontrobersya.
- Latest