Pacquiao pinakamayaman pa rin na kongresista
MANILA, Philippines - Si Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao ang nanatili na pinakamayamang kongresista sa bansa ngayon.
Batay sa inilabas na summary ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng Kamara para sa taong 2013 ng 289 na kongresista, si Pacquiao ang may pinakamalaking yaman na mahigit sa P1.345 bilyon bawas na dito ang P500 milyon liabilities nito.
Kasunod ay si daÂting first lady at Ilocos Rep.Imelda Marcos na may networth na P922 milÂyon, pangatlo si Speaker Feliciano Belmonte na may P819 milyon, pang apat si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, P713 milyon ang networth at pang lima si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na may kabuuang yaman na mahigit sa P617 milyon.
Kasama din sa top 10 na mayayamang kongresista sina Las Piñas Rep. Mark Villar; Leyte Rep. Ferdinand Marti Romualdez; Rizal Rep.Joel Roy Duavit; Tarlac Rep. Enrique Cojuangco at Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu.
Pinakamahirap naman kongresista si Anakpawis Rep, Fernando Hicap na may idineklarang P37,722 networth lamang.
Bukod kay Hicap ay may limang kongresista rin na hindi umabot ng isang milyon ang networth na sina Kabataan partylist Rep. Terry Ridon; Kalinga partylist Rep. Abigail Faye Ferriol; Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz at Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao.
- Latest