Kapalit ni Gov. Ejercito pinaupo na ng Comelec
MANILA, Philippines - Matapos ang limang araw na palugit na binigay ng Commission on Elections (Comelec) para makakuha ng temporary restraining order (TRO) ang pinatalsik na si Laguna Governor E. R. Ejercito ay pinaupo na ng Comelec si Laguna Vice Governor Ramil Hernandez bilang bagong gobernador ng lalawigan.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, na hanggang noong Lunes lamang ang ibiÂnigay na palugit kay Ejercito para makakuha ng TRO, subalit ngayong araw pa ang en banc session ng kataas-taasang hukuman kung saan posibleng talakayin ang petisyon ni Ejercito.
Kung makakuha na si Ejercito ng TRO o magpalabas ang Supreme Court ng status quo ante order laban sa pag-upo ni Hernandez si Ejercito pa rin ang kanilang kikilalanin.
Nabatid na binarikadahan na ang kapitolyo upang hindi makapasok ang sinumang magpapatupad ng kautusan ng Comelec.
Si Ejercito ay dinisÂqualify ng poll body dahil umano sa overspending noong 2013 elections
- Latest