^

Police Metro

46 na kalye sa Maynila bawal na sa padyak, tricycle

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - May kabuuang 46 na kalsada sa lungsod ng Maynila ang bawal ng pasukan at daanan ng mga padyak at tricycle.

Ayon kay Manila Ma­yor Joseph ‘Erap’  Estrada, sa ilalim ng  bagong regulasyon bawal nang dumaan ang mga tricycle at pedicab sa 46 na kalye alinsunod na rin sa ginagawang pagsasa-ayos ng  daloy ng trapiko sa lungsod.

Paliwanag naman ni Vice Mayor Isko  Moreno,  kaunti lamang ito  sa mahigit na 1,000  kalsada na maaaring daanan ng  mga tricycle at pedicab. Aniya, maaari namang tumawid ang mga ito. Kailangan na ding iparehistro ang mga tricycle at pedicab sa Manila Tricycle Regulatory Office na nasa ilalim ng pamamahala ni  MTPB  Carter Don Logica.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang  Roxas Blvd.; Pablo Ocampo (mula Taft  Ave. hanggang  Roxas Blvd.); M.H de Pilar (mula Kalaw hanggang  Pablo Ocampo); Mabini (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang  Osmeña Highway); Osmeña  Highway; Quirino Ave.; Taft Ave.; Kalaw; U.N. Ave.; San Marcelino (mula Quirino Ave. hanggang Romualdez St.); Pedro Gil (mula Quirino Ave. hanggang  Panaderos); Guanzon Ave.; Quirino Ave. Extension; Ayala Blvd.; Padre Faura; Padre Burgos Ave.; Finance Road; Lawton; Arroceros, Antonio Villegas; Ayala Bridge; Quezon Bridge; McArthur Bridge; Jones Bridge; P. Casal St.(mula Ayala Bridge hanggang  Mendiola); C.M. Recto (mula Mendiola hanggang Abad Santos); Legarda St.; Ramon Magsaysay Blvd.; V. Mapa St.; Quezon  Blvd.; Rizal Ave.;Escolta; Quintin Paredes; Plaza San Lorenzo Ruiz; Jose Abad Santos Ave.; A.H. Lacson Ave.; Tayuman (mula A.H. Lacson hanggang Juan Luna); España; Dapitan; Laon-Laan (mula Alfonso Mendoza hanggang  A.H. Lacson Ave.); Dimasalang; Blumentritt (mula Aurora Blvd. hanggang North Cemetery); Road 10; G. Tuazon at Adriatico (mula Padre Faura hanggang  Quirino Ave.).

 

AVE

AYALA BRIDGE

HANGGANG

KALAW

LACSON AVE

MULA

PABLO OCAMPO

PADRE FAURA

QUIRINO AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with