Sa pagtugis sa anak na pumatay ng ama PNP at NBI nagsanib puwersa
MANILA, Philippines - Pinalawak pa ng mga awtoridad ang paghahanap nila kay Nelson Bermejo Antonio, 44, na sinasabing responsable sa pagpatay sa kanyang sariÂling ama na si Antonio Pabalan Antonio, sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway sa loob ng kanilang tahanan sa Las Piñas City noong Setyembre 11, 2013.
Nagtulong-tulong na ang mga tauhan ng NBI, Police Regional Office 4-A, PNP-NCR, CIDG, PNP Intelligence Group at ang PNP Task Force Tugis, sa paghahanap kay Nelson, kasunod nang ilang impormasyong natanggap hinggil sa kinaroroonan ng suspek.
Kabilang sa mga lugar na sinasabing namataan si Nelson ay sa Eastern part ng Metro Manila, Parañaque City, Las Piñas at Batangas. May impormasyon ring natanggap ang mga awtoridad na plano ng suspek na magtungo sa Panay Island nang maispatan ito sa Mindoro Oriental port.
Nagsimulang magdatingan ang mga impormasÂyon hinggil sa kinaroroonan ni Nelson nang mag-alok ang mga kaibigan at mga supporters ng biktima ng P300,000 cash reward para sa anumang imporÂmasyon na magiging daan para maaresto ito makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Parañaque City RTC Branch 257 at walang piyansang inirekomenda para sa paglaya nito.
Ang anumang impormasyon hinggil sa kinarorooÂnan ni Nelson ay maaaring ipaabot sa pamamagitan nang pagtawag sa mga numerong (Smart) 0947-3010426 o (Globe) 0906-4940710. Tiniyak rin ng mga ito na ang pagkakakilanlan ng tipster ay confidential.
- Latest