Trader na may sakit na diabetes sariling ulo ‘pinasabog’
MANILA, Philippines - Isang negosyante na may sakit na diabetes ang ‘pinasabog’ ang sariling ulo na agad na nasawi sa loob ng kanilang master’s bedroom sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Dulay, nasa hustong gulang na nakatira sa Unit 203 Anson Building, #2808 Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila.
Sa ulat ni SPO1 RiÂchard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi nang madatnan ng misis na si Yorina, 52, ang kaniyang mister na nakadapa sa kanilang kama, duguan at sabog ang ulo habang ang isang .9 mm na pistola ay nasa tabi nito.
Umuwi umano ang misis at pansamantalang iniwan ang kanilang negosyong canteen sa Binondo para painumin ng gamot ang biktima at hindi akalaing patay na itong dadatnan.
Madilim umano ang bahay at nang-buksan ang ilaw ni Yorina at tinatawag nito ang biktima subalit walang sumasagot kaya tinungo ang kanilang silid at doon natagpuan ang mister na wala ng buhay.
Nabatid na may apat na taon nang may sakit na diabetes ang biktima at posibleng nahihirapan na ito dahil sa madalas na pagsasailalim sa dialysis, na posibleng dahilan upang wakasan ang sariÂling buhay.
Gayunman ay nagsasagawa parin ng masuÂsing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng negosÂyante.
Dinala ang bangkay nito sa St. Harold Funeral para sa kaukulang awtopsiya.
- Latest