^

Police Metro

OEDC humingi ng paumanhin sa mga taga Olongapo

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin ang Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. (OEDC) sa mga kostumer nito at sa publiko hinggil sa pagkaantala ng pagbalik ng kuryente noong Mayo 18 sa Olongapo City.

Sa inilabas na open letter, sinabi ng OEDC na dahil sa kinakailangang pagkumpuni sa linya nito, isinabay ang pagkumpuni sa maintenance works ng National Grid Corporation of the Phil. sa linya nito at kinakailangang patayin ang suplay ng kuryente sa buong Olongapo.

Ang kuryente ay nakatakda sanang ibalik ganap na ala-6:00 ng gabi, subalit  dahil sa kalubhaan ng kondisyon ng 75-feet pole sa bundok ng  Barangay Kalaklan ay kinailangang pahabain ang oras ng pagtatrabaho upang matapos ito.

Kasunod nito, nangako ang OEDC na mag-iingat na ito sa pagbibigay ng anunsyo lalo na at may kaugnayan sa pagbabalik ng kuryente.

 

BARANGAY KALAKLAN

HUMINGI

KASUNOD

KURYENTE

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHIL

NITO

OLONGAPO

OLONGAPO CITY

OLONGAPO ELECTRICITY DISTRIBUTION COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with