^

Police Metro

Tulong ng ibang bansa sa ‘Yolanda’ victims ‘di pa nakukuha

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi parin nakukuha ng pamahalaan ang mga pledges o tulong ng international community para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda bunsod umano ng kawalan pa ng master plan.

Sinabi ni Senador Bongbong Marcos, bagamat halos pitong buwan na ang nakililipas mula noong manalasa ang super typhoon Yolanda ay hindi pa rin nakukuha ng gobyerno ang mga pledges na ibinibigay ng ibang bansa na sanay makakatulong ng malaki sa rehabilitasyon sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo.

Ang ikinakatwiran umano ng national government ay hindi parin nagbibigay ng Post Disaster Needs Assistance ang Local Government Units (LGUs) sa mga naapektuhan ng kalamidad, subalit ng makausap umano ng senador ang mga nasabing opisyal ay sinabing nakapagsumite naman na sila.

Subalit ng muling sabihin nito na nakapagbigay na ng master plan ay ikinatuwiran naman sa kanya na validation naman mula sa Department of Publics Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya ng gobyerno ang  kailangan.

Paliwanag pa ni Marcos, ang mga pledges ay ibi­nibigay kapag mayroon ng plano na naiprisinta at kung aprubado ito saka ire-release ang mga financial assistance.

Dismayado ang Senador dahil matagal ng naka­handa ang mga pinansyal na tulong na ito subalit hindi pa mapakinabangan dahil sa bagal kumilos ng national government.

Hinihiling din ni Marcos sa gobyerno na madaliin ang paglalabas ng pondo at ipaubaya na lamang ito sa LGUs upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lalawigan na lubhang napinsala dulot ng bagyong Yolanda.

DEPARTMENT OF PUBLICS WORKS AND HIGHWAYS

DISMAYADO

HINIHILING

LOCAL GOVERNMENT UNITS

PALIWANAG

POST DISASTER NEEDS ASSISTANCE

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with