5 NPA rebels napatay sa pag-atake
MANILA, Philippines - Napatay ang limang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) rebels kabilang ang daÂlawang mataas na lider habang dalawa ang nasakote nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Sitio Hukdong, Balocawe, Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga.
Ang mga nasawing rebelde ay kinilala sa mga alyas na Ka Randy, Commanding Officer ng Probinsya Yunit Guerilya sa Sorsogon at Vice Commander nitong si Ka Nick; Ka Ryan, medical staff; alyas Botchokoy at Elias Garduque; pawang security ng nasabing unit.
Nadakip naman sina Maricel Remon alyas Ka Russel, political instructor at isa pang miyembro ng kilusan na si Intia Garduque.
Ayon kay Army’s 903rd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Joselito Kakilala na nasilat ang planong pag-atake ng grupo ni Ka Ryan sa munisipyo at himpilan ng bayan ng Matnog dakong alas-5:44 ng umaga.
Tinatayang nasa 25 armadong rebelde umano sa lugar nang makasagupa ng mga sundalo na kung saan ay inabandona ang limang napatay na kanilang mga kasamahan.
Narekober ang bangkay ng limang rebelde at kanilang gamit na armas na kinabibilangan ng dalawang M653 rifles, dalawang M16 rifles at isang M203 grenade launcher.
- Latest