^

Police Metro

Sa harap ng kanilang paslit na anak... misis pinatay, mister nagpakamatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril muna sa ulo ng isang mister ang kanyang misis sa harap ng kanilang 5-anyos na anak na lalaki at pagkatapos ay isinunod naman nito na barilin ang sarili naganap sa silid ng kanilang bahay sa Azucena St., Brgy. Roxas District, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Erika Mauricio, 28 at Al Bryan Padua; kapwa overseas Filipino workers.

Si Erika ay nagtamo ng tama ng bala sa sentido, habang si Al ay nagtamo ng tama ng bala sa bibig na naglagos sa kanyang batok.

Ang krimen ay natuklasan ni Jenalyn Famatiga, kapit-kuwarto ng mag-asawa matapos na humingi ng tulong ang 5-anyos na anak na lalaki ng mag-asawa na umiiyak sa sulok at humihingi ng gatas.

Ang anak ay nasa poder ni Erika sa Dubai at umuwi ng Pilipinas noong Mayo 15, 2014, habang Mayo 17, 2014 naman si Padua na galing naman sa Japan.

Ayon sa ilang kaanak  hindi na umano maayos ang samahan ng mag-asawa na madalas na nag-aaway.

Sa salaysay ni Fama­tiga, bago ang pagkakatuklas sa bangkay ng mag-asawa ay nagising siya dakong  alas-3:00 ng madaling araw nang makarinig ng dalawang putok ng baril na hindi niya pinansin.

Dahil sa kuryusidad matapos ang dalawang oras ay nagpasya ito na tignan ang kuwarto at dito ay nakita niya si Erika na duguang nakahandusay sa kama, habang si Al Padua ay nakaupo sa sahig.

Narekober sa lugar ang Colt caliber .45 pistola na may dalawang bala at dalawang basyo nito.

vuukle comment

AL BRYAN PADUA

AL PADUA

AYON

AZUCENA ST.

ERIKA MAURICIO

JENALYN FAMATIGA

QUEZON CITY

ROXAS DISTRICT

SI ERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with