^

Police Metro

Iligal na pagawaan ng baril, nalansag, 3 kulong

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalansag ng pulisya ang isang pagawaan ng mga iligal na baril at nagresulta rin sa pagkakadakip sa tatlo katao, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang mga suspects na sina Arnel Marcelino, 30, ng No. 127 Burgos St. Brgy. Concepcion, ng naturang lungsod; Gil Villanueva, alyas Boy, ng No. 49 Bisig ng Kabataan, Sangandaan, Caloocan City at Arnulfo Arienda, Jr., Brgy. Graceville, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng Caloocan Police, una na nilang isinailalim sa surveillance operation ang pagawaan ng baril sa naturang lugar dahil sa mga ulat na natatanggap ng pulisya na dito nagmumula ang mga iligal na baril. 

Isinagawa ang raid dakong alas-4:10 kahapon ng madaling araw kung saan naaktuhan ang tatlong suspects na abala sa pagbuo ng kalibre .45 at kalibre .38 na baril.

Ilan sa mga baril ay may silencer pa kaya hinihinala na dito nangagaling ang mga baril na ginagamit ng mga sindikato na sangkot sa “gun for hire”.  Nakuha rin sa mga suspects  ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso.

 

ARNEL MARCELINO

ARNULFO ARIENDA

BARIL

BURGOS ST. BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

GIL VILLANUEVA

MALABON CITY

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with