Jinggoy ‘ready’ nang makulong - Erap
MANILA, Philippines - Inihahanda na umano ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang sarili sa posibilidad na pagkakakulong matapos na isangkot sa kontrobersiyal na pork barrel scam.
Ito naman ang paniniwala ng dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada dahil na rin sa walang tigil na pagsasangkot sa kanyang anak sa walang basehang pork barrel scam.
Aniya, tiwala siyang malalagpasan ng kanyang anak ang kaso at ipagtatanggol ang kanyang sarili mula sa umano’y multi-million priority development assistance funds (PDAF).
Paliwanag ng alkalde, wala naman din umano itong pagkakaiba sa kanyang naging sitwasyon noon nang akusahan siya ng Arroyo administration ng plunder. Na-convict si Estrada ng SandiganbaÂyan noong 2007 subalit nabigyan din ng pardon ni dating Pangulong Arroyo.
Itinanggi rin ni Estrada ang alegasyon na ginamit ng senador ang kanyang pork barrel allocations sa pamamagitan ng pagamit ng pekeng NGOs na konektado kay Janet Napoles.
Lumilitaw umano na “selective justice†ang nangyayari dahil tanging sina Jinggoy, Senador Ramon Revilla at Senador Juan Ponce Enrile lamang ang idinidiin sa kaso.
“Makikita mo na talagang they’re really hell-bent on jailing the three senators. Pagka- kami, tatlong senador ang nababanggit, masyadong credible ang istorya ni Janet Napoles, ni Benhur Luy, ng listahan. Pero pagka-iba ang involved, lalo na ang kaalyado ng administrasyon, napaka-incredible naman, di ba?†dagdag pa ni Estrada.
- Latest