Lalaki, kinuyog, inatado ng 12 katao
MANILA, Philippines - Taga, saksak at palo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang 19-anyos na lalaki nang pagtulungan ng 12 katao sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Robin Dandreb ng No. 529 Callejon 1, Yangco St., Gagalangin Tondo habang inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 12 suspects na responsable sa krimen.
Batay sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa may Yangco St., Gagalangin, Tondo, Maynila, kung saan habang bumibili ng sim card sa tindahan ang biktima ay dumating ang mga suspek at mabilis na pinagtulungang pagpapaluin ng kahoy at pagsasaksakin sa buong katawan.
Tumigil lang ang mga suspek nang nakitang bumagsak na ang biktima. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.
- Latest