^

Police Metro

2 bebot na karnaper timbog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli ang dalawang  babaeng  suspek sa panga­ngarnap sa Taguig City matapos ang  isang entrapment operation sa Paco, Maynila.

 Kinilala ng pulisya ang mga suspects na sina Dizzelle Lacdao, 25 at Anerva de Guzman, 51, kapwa  residente ng  Paco, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas-12:20 ng madaling-araw nitong Mayo 20, 2014, nasakote  sina Lacdao at De Guzman sa PNR Station sa Pedro Gil kanto ng Quirino Avenue sa Paco.

 Ang pagkakadakip sa dalawa ay matapos na humingi ng saklolo si Irvin Saunar, 38,  ng Western Bicutan, Taguig at may-ari ng  kulay pulang Honda XRM (1393 NE)  matapos na positibong matukoy ang mga carnapper na residente ng Maynila.

 Sa salaysay ng biktima sa pulisya, may nag-text umano sa kanya  at humihingi ng P7,000 at maibabalik sa kanya ang kanyang motorsiklo.

 Dahil dito agad na nakipag-ugnayan sa MPD-ANCAR ang biktima at inilatag ang entrapment na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa.

Kakasuhan ang  dalawa ng paglabag sa Republic Act 6539 o anti-carnapping law at Presidential Decree 1612, mas kilala bilang anti–fencing law.

 

vuukle comment

DE GUZMAN

DIZZELLE LACDAO

IRVIN SAUNAR

MAYNILA

PEDRO GIL

PRESIDENTIAL DECREE

QUIRINO AVENUE

REPUBLIC ACT

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with