^

Police Metro

P150-M suhol sa DOJ, NBI paninira lang! – De Lima

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais lamang umanong wakwakin ni Whistleblower Association President Sandra Cam ang kredibilidad ng Department of Justice at National Bureau of Investigation matapos na akusahan nito ang mga ahensiya na tumanggap ng P150-M mula kay Janet Lim-Napoles para ibasura ang kasong serious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy.

 Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nais lamang ni Cam na sirain ang kanyang pangalan at ang buong institusyon ng DOJ at NBI  sa pamamagitan ng   mga kasinu­ngalingan.

Gayunman, ayaw na umano ng kalihim na patulan pa ang isyu lalo’t marami rin umano siyang trabahong binibigyan ng prayoridad at hindi lamang ang pork barrel scam ni Napoles.

Mas binibigyan niya ng importansiya ang  patuloy na tiwala at paniniwala  ni  Pangulong Noynoy Aquino  na kanyang ginagamit na sukatan para magpatuloy sa kanyang mandato.

Una ng ibinunyag ni Cam na umano’y naglabas ng P150-M si Napoles upang ma-dismiss ang kaso ni Luy laban sa kanya.

Sa nasabing halaga, P30 milyon umano rito ay tinanggap ni dating NBI director Nonatus Rojas samantalang ang natitira ay malamang na napunta sa DOJ.

May ilang report na nangangalap ng milyong pirma ang grupo ni Cam upang hilinging magbitiw sa kanyang puwesto si De Lima.

 

vuukle comment

BENHUR LUY

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONATUS ROJAS

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with