Tsinoy timbog sa P50-M shabu
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P50 milyon ang halaga ng limang kilong shabu na nasamsam sa nadakip na Tsinoy matapos na sitahin ito habang nagmamaneho ng kotse sa isang police checkpoint kamakalawa ng gabi sa TM Kalaw St., Ermita, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Wilson Salazar Sia, alyas “Wilson Rellesiva Siaâ€, 31-anyos, residente ng no. 75 P. Burgos St., Tacloban City at nakatira din sa Poblacion District 4, Julita, Leyte.
Sa ulat, dakong alas-9:10 ng gabi ay naglatag ng police checkpoint ang mga otoridad sa lugar dahil sa isang imporÂmasyon sa police asset na dadaan doon ang kotse na Hyundai Accent (FIF-236) na minamaneho ng isang drug dealer na si Zong Long alyas“Sonny Longâ€, Chinese national na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong paglabag sa illegal na droga na walang piyansa at may ka-transaksyon ito.
Subalit, nang parahin ang kotse ng suspek ay hindi si Long ang nagmamaneho kundi si Sia at nang halughugin ang kotse ay nakita ang isang bag na naglalaman ng 5 kilong shabu.
- Latest