3 rebelde dedo sa pag-atake
MANILA, Philippines - Nasilat ng mga otoridad ang pag-atake ng may 100 New People’s Army (NPA) rebels sa isang police station nang manlaban ang mga ito at napatay ang tatlong rebelde na kinabibilangan ng isang kumander naganap kahapon ng madaling-araw sa Pres. Roxas Municipal Police Station, North Cotabato.
Sa ulat, pasado alas-3:30 ng madaling-araw nang umatake ang may 100 rebelde na lulan ng isang truck (RLY-371) sa nasabing himpilan ng pulisya.
Subalit, nakahanda sina Inspector Bernabe Rubio, hepe ng President Roxas MPS na mabilis na nagmaniobra at pinangunahan ang pagsagupa kasama ang may 20 pulis laban sa mga umaatakeng grupo ng mga rebelde.
Nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig at nasawi ang tatlong rebelde na ang isa rito ay kinilalang si kumander Revo at isa ang nadakip.
Nakaradyo naman kaagad sina Rubio sa tropa ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB) na mabilis na nagresponde at tumulong sa pagtataboy ng mga umaatakeng rebelde.
Bago ang pag-atake ay nakatanggap ng intelligence report ang North Cotabato Police na may sasalakaÂying himpilan ng pulisya ang NPA rebels sa lalawigan na bagaman hindi nasabi kung alin ay umalerto ang Pres. Roxas Municipal Police Station.
- Latest