^

Police Metro

Pamasahe sa Pasig Ferry binabalak ibaba

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binabalak umano ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ibaba ang presyo ng pamasahe sa Pasig River Ferry boat matapos na matumal ang pagdating ng pasahero sa unang araw na ito ay may bayad na.

Pinag-aaralan na ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagbaba ng pasahe na nasa P30 kung malapit at P50 kung malayo ang destinasyon.

Sinabi ni Tolentino na walang gaanong mananakay ang tumangkilik mula sa Guadalupe at Pinagbuhatan, subalit yung patungong Maynila ay marami naman aniyang sumakay na mga pasahero.

Inamin nito, na mas maraming tumangkilik sa ferry boat system ng nakaraang dalawang linggo dahil libre ang pamasahe dito at may libre pang pandesal at kape.

Bukod dito ay pinag-aaralan na rin ng MMDA na pagbibigay ng dis­kwento sa mga estud­yante sa pagbubukas ng klase.

BINABALAK

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

GUADALUPE

INAMIN

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG RIVER FERRY

PINAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with