Pasig ferry may bayad na
MANILA, Philippines - Ngayong araw na ito ay uumpisahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paniningil ng pasahe sa Pasig River Ferry Boat System matapos ang dalawang linggong libreng sakay.
Sa inaprubahang pasahe ay P30 ang singil sa malapit na destinasyon at P50 ang pinakamalayo.
Magbabayad ng P30 ang mga pasaherong bibiyahe patungo at pabalik ng Guadalupe-PUP Station at PUP-Plaza Mexico Station.


Ang P50 na singil sa mga pasaherong patungo at pabalik ng Pinagbuhatan-Guadalupe Station, Guadalupe-Escolta at Guadalupe-Plaza Mexico.

- Latest