^

Police Metro

Mag-ina natupok sa sunog

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang isang mag-ina nang magmistulang uling matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng mada­ling-araw sa Brgy. Sta. Fe, Dasma­riñas City, Cavite.

Ang nasawing mag-ina ay kinilalang sina Susan Reglos, 37-anyos at anak nitong si John Joey, 7-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa kahimbingan ng pagtulog ng mga biktima nang magsimula ang sunog sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Blk. 10, Lot 22, Extension 2 ng nasabing barangay.

Hindi na nagawang makalabas ng bahay ang mag-ina sa mabilis na pagkalat ng apoy na kung saan ay nadamay rin ang bahay ng mga kapitbahay.

Tumagal ng may mahigit kumulang sa kalahating oras bago tuluyang naapula ang apoy at aabot sa mahigit sa P2 milyong piso ang napinsalang mga ari-arian.

Pinaghihinalaan na faulty wiring ang dahilan ng sunog.

BATAY

BRGY

CAVITE

DASMA

JOHN JOEY

PINAGHIHINALAAN

SUSAN REGLOS

TUMAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with