Nanita ng motorista tinadtad ng bala... Pulis opisyal, driver utas
MANILA, Philippines - Kapwa napatay ang isang pulis opisyal at driver nito nang pagbabarilin ng isang negosyanteng Tsinoy na kanilang siÂnita dahil sa paglabag sa batas-trapiko kamakalawa sa San Francisco, Agusan del Sur.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tinamong tama ng bala si Sr. Inspector Abraham Mangalen, nakatalaga sa traffic division ng nasabing bayan.
Habang namatay sa lugar ng pinangyarihan ang driver nitong si Joel Timbal, 35-anyos.
Ang suspek na sumuko sa pulisya matapos ang pamamaril ay kinilalang si Rezly Butiong Chua alyas Ugong, binata, negosyante, miÂyembro ng Rosario Gun Club at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Rosario, Agusan del Sur.
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:00 ng tanghali sa kahabaan ng national highway ng Purok 5, Brgy. LapiÂnigan, San Francisco ng lalawigan ay lulan si Sr. Insp. Mangalen ng kaniyang SUV na minamaneho ng kaniyang driver na si Timbal galing sa Davao City at patungong Butuan City.
Pagsapit sa lugar ay naispatan ni Sr. Insp.Manglen ang suspek na sobra ang tulin sa pagmamaneho ng kanyang kulay asul na Yamaha motorcycle na walang plaka.
Dahilan sa tawag ng tungkulin ay ipinahabol ni Sr. Insp. Mangalen sa kaniyang driver ang suspek na kanilang pinara at sinita.
Dito ay nagpakilala si Sr. Insp. Mangelen na isang pulis opisyal na nakatalaga sa traffic at hiningi sa suspek ang lisensiya.
Nagulat si Sr. Insp.Mangalen nang bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril siya sa iba’t ibang parte ng katawan.
Nagtatakbo ang driÂver na si Timbal, subalit hinabol siya ng suspek at nang maabutan sa palaÂyan ay sunud-sunod itong binaril sa ulo na siya nitong agad ikinasawi.
Tumakas ang suspek at dakong alas-7:00 ng gabi ng sumuko ito kay Chief Inspector Bonifacio Estrella, hepe ng Rosario Municipal Police Station para panagutan ang krimen.
- Latest