^

Police Metro

Kamara ‘di na magsasagawa ng imbestigasyon sa PDAF scam

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila ng tambak na resolusyon na inihain ng mga kongresista ay hindi na magsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) scam.

Ayon kay Dasmariña Rep. Elpidio Barzaga, hindi lamang kautusan ni House Speaker Feliciano Belmonte kundi desisyon na rin ng mayorya sa Kamara dahil ayaw na rin umano makisawsaw sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ), Ombudsman at Senado.

Paliwanag pa ni Barzaga, napag usapan ang naturang desisyon ng liderato ng Kamara ilang buwan na ang nakakalipas kung saan kasama rin dito ang ibat-ibang partido na kasama sa koalisyon ng Mababang Kapulungan kung saan napagkasunduan din na idiretso na ng “archive” ang mga nakahaing resolusyon.

Sa tingin  din umano ng mga kongresista ay hindi na magiging credible sakaling mag imbestiga man ang Kamara sa PDAF scam dahil base sa mga ulat ay maraming kongresista ang sangkot dito.

Bunsod nito, nana­wagan si Barzaga na paharapin na lamang sa isang pagdinig sina Justice Secretary Leila de Lima at ang itinuturong utak ng scam na si Janet Lim -Napoles upang sapilitan nitong maibulgar ang laman ng kanyang affidavit na isinumite sa DOJ at makumpirma na rin sa mis­mong harap ng kalihim kung ito ay tunay o peke.

 

ASSISTANCE FUND

BARZAGA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELPIDIO BARZAGA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JANET LIM

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with