^

Police Metro

Mga opisyal ng barangay sa Caloocan inuubos

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang inuubos ang mga opisyal ng barangay sa Caloocan City dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga ito ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na ang huling biktima ay naganap noong Biyernes ng alas-6:30 ng umaga nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo si Kagawad Ro­gelio Escano, 53 ng Barangay 44, habang ito ay nagluluto sa Tony’s Restaurant sa 8th Avenue ng lungsod.

Isa pang biktima ng riding in tandem si Kagawad Garry Moralla, 26 ng Barangay 181 nang barilin at mapatay ito noong Mayo 7, dakong alas-10:00 ng gabi habang angkas sa motorsiklo ang misis niyang si Jonalyn.

Noong Marso 25, 2014 nang pagbabarilin at mapatay ng riding-in-tandem si Barangay Chairman Pedro Ramirez, ng Barangay 183, alas-7:45 sa Gate 2, Amparo Subdivision, Quirino Highway. Isang Mark Anthony Francisco “alyas Rodel Eli­zardo” ang sinasabing gunman,  na suspek din sa pagpatay sa hepe ng Department of Public Safety and Traffic Ma­nagement Zone 16, North na si Eduardo Balana, 66, na binaril habang naglilinis sa bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay sa Charlie St., Camarin ng  alas-6:00 ng umaga noong Mayo 5.

Noon namang Marso 21, dakong alas-7:30 ng gabi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem si Luisito Banzon, 37, kagawad ng Barangay 187 habang nagbababa ng sako ng bigas sa tapat ng kanilang bahay sa Sunflower St., Tala.

Sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan ay naligtasan ni Banzon ang kamatayan.

Nakaligtas din sa kamatayan si Kagawad Edward Jundayao, 44, ng Barangay 174 nang barilin ng hindi pa kilalang suspek habang hinihintay ang asawa sa tapat ng kanilang bahay sa Wa­ling-Waling St., Camarin ng lungsod.

Mga riding-in-tandem din ang bumaril at nakapatay kay Barangay Chairman Alejandro Bonifacio, ng Barangay 163 noong Marso 3 ng taong kasalukuyan.

Hindi rin nakaligtas sa pamamaril si Chairman Felipe Alday ng Barangay 178 na binaril at napatay noong nakaraan taon.

Isang malalimang im­bestigasyon ang ginagawa ng Caloocan City Police kung iisa lamang tao o iisang grupo ang pumapatay  sa mga opisyal ng barangay sa lungsod dahil sa iisang istilo lang kung pumatay ng kanilang target.

 

AMPARO SUBDIVISION

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN ALEJANDRO BONIFACIO

BARANGAY CHAIRMAN PEDRO RAMIREZ

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHAIRMAN FELIPE ALDAY

CHARLIE ST.

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with