^

Police Metro

Zoren Legaspi kinasuhan ng BIR

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong tax evasion ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue laban sa actor na si Zoren Legaspi sa Department of Justice dahil sa  hindi umano pagdedeklara  ng tamang income tax return (ITR) para sa  taong 2010 at 2012.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, may P4.45 milyon  ang hinahabol na buwis kay Legaspi na hindi nito nabayaran sa ahensiya.

Sinabi ni Henares na noong 2010, umabot sa P9.64 milyon ang kinita ni Legaspi, subalit ang naideklara lamang nito sa kanyang ITR ay P6.79 milyon.

Nilinaw ni Henares na umaabot sa 42 percent ang underdeclared income  ni Legaspi noong 2010 at  256 percent noong  2012 kayat umaabot sa P4.45 milyon ang tax  liability nito sa gobyerno.

Ang kaso laban sa actor ay ika-240 na naisasampa ng BIR sa ilalim ng Run After Tax Evaders o RATE.

 

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DEPARTMENT OF JUSTICE

HENARES

KASONG

LEGASPI

RUN AFTER TAX EVADERS

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with