^

Police Metro

Sunog sa QC: 100 pamilya nawalan ng bahay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 100 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, napabayaang nakasindi na kalan sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Salome Andaluz, 63 na matatagpuan sa Simon St., ang tinitignan nilang pinagsimulan ng sunog dakong alas-6:00 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy sa lugar dahil sa karamihan na bahay ay gawa umano sa light materials.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog bago tuluyang maapula ang apoy ganap na alas-8:00 ng gabi at nasa P750,000 ang halaga ng ari-ariang napinsala dito.

Pansamantalang nananatili sa barangay hall ang ilan na nasunugan habang ang iba naman ay sa kalsada malapit sa kani-kanilang nasunog na bahay.-

BRGY

HOLY SPIRIT

JESUS FERNANDEZ

MABILIS

PANSAMANTALANG

QUEZON CITY

SALOME ANDALUZ

SENIOR SUPT

SIMON ST.

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with