^

Police Metro

Opisyal ng Caloocan City Hall, itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang dating pulis na ngayon ay hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management-North ng Caloocan City Hall matapos na pagbabarilin ng isang lalaki na hinihinalang gun for hire sa bisinidad ng kanyang bahay sa nasabing lungsod.

Nakilala ang nasawi na si Eduardo Balana, 66-anyos, retiradong pulis, hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management-North na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga noong Lunes ay abalang naglilinis sa bakanteng lote sa gilid ng kanyang bahay sa may Charlie Street, Camarin ang biktima nang sumu­lpot ang nag-iisang salarin at sunud-sunod na paputukan ng baril.

Mabilis na tumakas ang salarin gamit ang hindi pa mabatid na “get-away vehicle” habang isinugod ng mga kaanak ang biktima sa pagamutan.

Nadiskubre sa photo rouge gallery sa presinto na ipinakita sa mga saksi na ang gunman ay siya ring itinuturong bumaril at pumatay kay Pedro Ramirez, chairman ng Barangay 183 noong Marso 25 sa Amparo Subdivision, Quirino Highway.

AMPARO SUBDIVISION

BATAY

CALOOCAN CITY HALL

CHARLIE STREET

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT-NORTH

EDUARDO BALANA

MABILIS

PEDRO RAMIREZ

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with