^

Police Metro

4 lalaki patay sa QC

Ricky ­Tulipat - The Freeman

MANILA, Philippines - Apat na kalalakihan ang nasawi sa insidente ng pananaksak at pamamaril sa magkahiwalay na lugar at oras sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawing sina Norly Solomon, 23, ng  Brgy. East Fairview; Erly Deseo, 38, ng Brgy. Pansol; Rogelio Cutamora, 30, construction worker, ng Barangay Batasan Hills at  Jayson Cana, 23, ng Barangay Baesa.

Sa ulat ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang mga nasawi sa pananaksak na sina at Deseo, 38, ng Brgy. Pansol.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi nang mapatay sa saksak si Solomon nang magkapatid na suspek na sina Aldrian at Aldrin Gulane sa may Sitio Ruby, Brgy. East Fairview nang magtalo sa inuman.

Ganito ring oras napatay si Deseo sa isang inuman sa selebrasyon ng piyesta sa Block 2-C, Kaingin I, Brgy. Pansol nang saksakin ng mga suspek na sina Jaime Atacador, 20; at Gelo Gelig.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang barilin at mapatay ang biktimang si Cutamora, 30, sa Lakatan St., Barangay Batasan Hills nang hindi pa kila­lang suspek at alas-5:00 ng  umaga kahapon nang barilin at mapatay ang biktimang si Cana sa Barangay Baesa ng hindi rin nakikilalang salarin.

vuukle comment

ALDRIN GULANE

BARANGAY BAESA

BARANGAY BATASAN HILLS

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DESEO

EAST FAIRVIEW

ERLY DESEO

GELO GELIG

JAIME ATACADOR

PANSOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with