58 timbog sa cyber sextortion
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 58 miÂyembro ng cyber sextortion syndicates ang naaresto sa bansa sa serye ng opeÂrasyon ng pinagsanib na elemento ng International Police (Interpol) at Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.
Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na ang mga suspek ay nasakote sa isinagawang “Oplan Strike Back’ matapos na matukoy ng mga imbestigador ng Interpol, US Homeland Security Department at iba pang dayuhang operatiba ng pulisya ang online chats mula sa mga computer ng mga biktima na nagmumula sa Pilipinas.
Ayon sa mga opisyal na ang mga suspek ay hinihinalang nasa likod ng pagpapatiwakal ng isang teenager na si Daniel Perry, isang Scottish matapos itong ma-blackmail ng sindikato nang ipakakalat ang hubo’t hubad na video sa internet.
“Daniel Perry was a young boy who engaged in web chat and little did he know that webchat will be recorded and threats made to broadcast it worldwide. This ultimately led him to taking his own life. Investigation is very supportive of the global investigation that has taken placeâ€, ayon naman kay Gary Cunningham ng Scotland Police.
Nabatid na ang modus operandi ng mga suspek ay ang alukin ng cybersex sa pamamagitan ng paggamit ng mga guwapo at magagandang babae ang mga potensyal na biktimang banyaga ng cybersex na lingid sa kaalalam ay inirerekord ang video ng hubo’t hubad at malalaswa nitong posisyon.
Ginagamit umano ng sindikato mula sa Pilipinas ang mga hubo’t hubad na video ng kanilang mga binibiktimang banyaga sa pambla-blackmail na ipakaÂkalat sa internet kapag hindi nagbayad ng mula $500 hanggang $2,000.
Sinabi naman ni PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Chief P/Sr. Supt. Gilbert Sosa , ang mga suspek ay nasakote mula nitong Abril 30 hanggang kamakalawa sa serye ng operasyon sa Bicol Region, Laguna, Bulacan, Taguig City na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng nasa 250 piraso ng electronic device na gamit ng mga ito sa illegal na aktibidades..
- Latest
- Trending