Holdaper patay sa shootout
MANILA, Philippines - Isang lalaki na miÂyembro ng robbery/holdup gang ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga otoridad kahapon ng madaling-araw sa Calamba City, Laguna.
Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw ay kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance operations ang pulisya sa pamumuno ni Sr. Inspector Roger Sarreal, Chief ng Intelligence ng Calamba City Police nang paputukan ng limang suspek na mga miyembro ng Boneknek gang sa kahabaan ng General Lim Street, Brgy. 5 na nauwi sa shootout.
Sa kasagsagan ng paÂlitan ng putok ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa kanang hita at tuhod si Sarreal na isinugod sa Calamba City Medical Center Hospital para malapatan ng lunas.
Isa naman sa mga suspek ang napaslang na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.
Narekober sa encounter site ang isang caliber 38 revolver habang patuloy ang hot pursuit operations.
Ang Boneknek gang ay sangkot sa serye ng robbery holdup sa buong lalawigan ng Laguna.
- Latest