^

Police Metro

Tsinoy trader inaresto sa checkpoint malapit sa Obama hotel

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang negosyanteng Tsinoy matapos na hindi tumigil sa checkpoint malapit sa five star hotel na tinutuluyan ni U.S. President Barack Obama kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang suspek na ang  pangalan sa Chinese ay  Don Lunsheng, na ang pangalan naman nito sa Filipino ay si Arvy Li, 29-anyos.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa panulukan ng Vicente Sotto at Dela Rama Sts.,  harapan ng Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) malapit sa Sofitel Hotel ng naturang lungsod  kung saan dito tumutuloy si Obama ay may pinatutupad na checkpoint ang pulisya.

Dito namataan ng mga pulis ang isang kulay silver na sasakyan na may plakang  XLW-587, na minamaneho ng suspek at sa halip na tumigil sa checkpoint ay pinaharurot ito hanggang sa  binangga pa nito  ang barikada ng pulisya.

Iginiit ng suspek na nasa impluwensiya ng alak at ng kasama nito na hindi nila alam na malapit doon ang hotel na tinutuluyan ni  Obama.

Ipinagharap ng pu­lisya ang suspek ng kasong disobedience to authority at disregarding arrest.

ARVY LI

CONVENTION CENTER

DELA RAMA STS

DON LUNSHENG

OBAMA

PASAY CITY

PHILIPPINE INTERNATIO

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with