^

Police Metro

Deniece malapit na rin madakip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang na umano ang araw at madadakip na ng National Bureau of Investigation ang modelong si Deniece Cornejo na kasama sa ipinaaaresto ng korte sa kasong serious illegal detention kaugnay nang pambubugbog kay actor/TV host Vhong Navarro nang matukoy ang kinaroroonan nito.

Ito ang sinabi ng NBI sa isang pulong balitaan na pinangunahan nina NBI-National Capital Region, Director Atty. Elfren Meneses at Assistant Regional Director Jun De Guzman matapos na iharap sa media ang mga naarestong sina Cedric Lee at Simeon “Zimmer” Raz na kasalukuyang nakapiit sa NBI detention facility.

Hindi na idinetalye ang lugar na kinaroroonan ni Deniece upang hindi masunog ang patuloy na manhunt.

Mistulang balewala lang sa dalawang akusado ang pagkakahuli sa kanila dahil maaliwalas ang kanilang mukha na mistulang walang pangamba sa nangyayari dahil nagagawa pang ngumiti at makipagbiruan.

Kahapon ng hapon ay isusumite na sa Taguig Regional Trial Court Branch 271 ang return of the warrant matapos maaresto sina Lee at Raz.

Mananatili muna ang mga ito sa NBI detention facility habang hinihintay pa ang ipalalabas na commitment order ng hukuman o ang kautusan kung saang kulungan sila dapat na ikulong.

Sina Lee at Raz ay naaresto ng pinagsanib na pwer­sa ng NBI, ISAFP at PNP sa Oras, Eastern Samar noong Sabado.

Samantala, inihayag ni NBI Deputy Director Rafael Ragos, ang isa pang akusado na si Jed Fernandez, ay nakatakdang sumuko matapos magpadala umano ng surrender feeler sa kanila.

 

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR JUN DE GUZMAN

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPUTY DIRECTOR RAFAEL RAGOS

DIRECTOR ATTY

EASTERN SAMAR

ELFREN MENESES

JED FERNANDEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with