^

Police Metro

Cedric, Raz kulong sa NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakulong na ngayon sa  punong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Maynila sina Cedric Lee at Simeon Raz na kapwa pangunahing akusado sa kasong serious illegal detention at pambubugbog kay actor/tv host Vhong Navarro.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga, nang lumapag sa  Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport ang sinak­yang Philippine Air Lines (PAL) ng mga akusado at mga tauhan ng NBI na nakadakip sa kanila.

 Gaya ng karaniwang nahuhuling suspek,  sina Lee at Raz ay nakaposas nang dumating,  agad na isinakay sa naghihintay na  convoy  ng NBI kasama ang apat na tauhan ng ahensya at idiniretso sa NBI headquarters.

Ngumiti pa sa media  si Lee at sinabing hindi sila nasakote o naharang kundi sila ay kusang loob na sumuko sa NBI. Binanggit din nila na hindi  sila nagtatago.

Pagdating naman sa NBI headquarters, agad na isinailalim sa pro­seso ng pagkakadakip sa dalawa gaya  fingerprints at pagkuha ng mugshots.

 Nagtungo rin sa NBI ang  pamilya ng dalawang suspek kasama  si Berniece Lee na kapatid ni Cedric na akusado rin sa kaso at counsel  na si Atty. Howard Calleja.

Matatandaang pasado alas-11:00 ng tanghali  noong Sabado, sina  Lee at Raz ay naaresto sa Oras, Eastern Samar.

Ang dalawa ay mananatili sa kulungan ng NBI hanggang maibalik sa  sala ni Judge Paz Esperanza M. Cortes ng Taguig City Regional Trial Court Branch 271 ang warrant of arrest.

Inaasahan din na nga­yon magdedesisyon si Judge Cortes kung saan ikukulong sina Lee at Raz.

Payo ng NBI sa iba pang akusado na sumuko na lamang upang hindi na mahirapan.  Patuloy pang tinutugis sina Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.

 

BERNIECE LEE

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

EASTERN SAMAR

FERDINAND GUERRERO

HOWARD CALLEJA

JED FERNANDEZ

NBI

RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with