^

Police Metro

Napoles testimony ‘di na kailangan - Ombudsman

Angie dela Cuz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Ombudsman na hindi na kailangan ang anumang testimonya ng negosyanteng si  Janet Lim-Napoles upang mapalakas ang kasong plunder at katiwalian ng mga mambabatas na  sangkot sa multi-billion peso pork barrel scam.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sapat na ang mga testimonya ng grupo ng whistleblower na  sina  Benhur Luy at mga hawak na ebidensiya para suportahan ang kasong naisampa sa  Sandiganbayan hinggil sa pork scam.

Tikom naman ang bibig ni Morales para magbigay ng pahayag kung nais gawing state witness si Napoles sa naturang kaso.

Kamakailan ay inihayag ng Ombudsman na nakakita sila ng  probable cause para madiin sa naturang kaso sina  Napoles at Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr., upang sampahan ang mga ito ng kasong plunder kasama na ang iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Morales, hindi umano naghain ng counter affidavit si Napoles matapos itong sampahan ng demanda ng DOJ kung kaya parang tinanggalan niya na rin ang sarili ng karapatang makapaghain ng motion for reconsideration sa desisyon ng Ombudsman na itaas na ang kaso sa Sandiganbayan.

Matatandaang sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima noong nakaraang Martes, na handa na  si Napoles na isiwalat lahat ng nalalaman sa Pork Barrel scam kapalit ng kanyang pagiging state witness subalit depende umano ito sa magiging desisyon ng Ombudsman.

Sa susunod na linggo ay  magpapalabas ng pinal na reso­lusyon ang Ombudsman hinggil dito.

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NAPOLES

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PORK BARREL

REVILLA JR.

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with