Dalaga pinulutan ng 3 kainuman
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki habang pinaghaÂhanap pa ang dalawang kasamahan nito na umano’y humalay sa isang dalaga matapos na lasingin, kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.
Nakilala ang nadakip na si Jeanno Faborada, 19, habang nakatakas ang mga kasamang sina Mark Anthony Mena, ng Monroy st., at Choy Sibugan ng Estrella st., kapwa residente ng Navotas West.
Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang “Mary Janeâ€, nakipag-inuman siya sa tatlong suspects sa isang bahay sa may Tabing Dagat, Monroy Street. Nang malasing dakong alas-3 ng madaling araw nitong Abril 24, naramdaman na lamang umano niya na hinahalay na siya ng mga nakainuman ngunit hindi na siya makapanlaban dahil sa labis na kalasingan.
Umaga na nang makauwi siya sa kanilang bahay at agad na nagsumbong sa kanyang magulang na siyang humingi ng saklolo sa pulisya. Nadakip sa ikinasang operasyon si Mena habang pinaghahanap pa ang dalawang kasapakat nito
- Latest