Parak tiklo sa P 1-M holdap
MANILA, Philippines - Isang pulis na nakatalaga sa Northern Police District (NPD) ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos na holdapin niya at tatlo pang kasama ang isang mag-asawang negosyante na natangayan nila ng halos P1 milyong halaga ng alahas at salapi kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Ang suspek ay kinilaÂlang si PO2 Angel Nabor, 27, residente ng no. 317 Mabini St., Sampaloc, Maynila na kinasuhan ng robbery hold-up at illegal possesion of firearms.Pinaghahanap naman ang tatlo nitong kasama na nakatakas sakay ng motorsiklo.
Sa reklamo ng mag-asawang biktima na sina Apolinario, 42 at GuilÂlerma Ylagan, 42, ng Sta. Cruz, Maynila na sakay sila kanilang Toyota Hilux na kulay gray nang harangin ng grupo ni Nabor pagsapit sa kanto ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard sa Malate.
Tinutukan ni Nabor ng baril ang mag-asawa at inagaw ang bag ng babae na may laman na P200,000 at mga alahas na umaabot sa P700,000 at pagkatapos ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Hindi nasiraan ng loob si Apolinario at hinabol ang mga suspek hanggang makita ang mga nagpapatrulyang pulis na nakasakay sa motorsiklo at humingi ng tulong na kung saan ay hinabol ang mga suspek.
Nang maabutan ay binangga ni Apolinario ang sinasakyang motorsiklo ni Nabor dahilan para matumba ito at maaresto naman ng mga tauhan ng MPD Traffic Enforcement Unit at MPD-Station 9.
Nagtangka pa umaÂnong paputukan ni Nabor ang aarestong mga pulis, subalit naunahan siya.
Tuluyan nang nakatakas ang tatlong kasama na sakay ng dalawang motorsiklo.
- Latest