Internet connections, iimbestigahan ng Senado... mahal na, mabagal pa
MANILA, Philippines - Bakit mabagal ang internet connections sa bansa gayung mahal ang ibinabaÂyad ng mga consumers?
Ito ang nais malaman at nakatakdang imbestigahan ni Senador Bam Aquino matapos lumabas ang ulat na nangungulelat ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia pagdating sa bilis ng internet.
Ayon sa isang infographic na inilabas ng ASEAN DNA, ang Pilipinas ay naunahan pa ng (3.6 Megabytes per second), Laos (4.0 Mbps), Indonesia (4.1 Mbps), Myanmar, Brunei (4.9 Mbps), Malaysia (5.5 Mbps) at Cambodia (5.7 Mbps).
Kabilang naman sa mga bansa na ang bilis ng internet ay mataas sa ASEAN average na 12.4 Mbps ay Vietnam (13.1), Thailand (17.7) at Singapore.
Nais malaman ng senador kung bakit mas mabilis at mas mura ang internet ng ilang mga kalapit bansa habang nagtitiis ang Pilipinas sa mabagal na koneksyon.
“Marami tayong natatanggap na reklamo ukol sa kabiguan ng provider na ibigay ang ipinangakong bilis ng internet, na nagreresulta sa mabagal na koneksiyon,â€ani Aquino.
Kadalasan, nagbaÂbayad ang consumer ng P1,000 kada buwan sa internet service na may bilis na hanggang 2 megabyte per second habang ang ibang telecommunication companies ay naniningil ng P2,000 para sa internet na may bilis na 5 Mbps.
“Mahal ito kumpara sa Singapore at Thailand kung saan makikita ang isa sa pinakamabilis na internet connection sa mundo,†wika ni Aquino.
Ayon sa senador, ang Singtel, na siyang pinakamalaking telecommunications company sa Singapore, ay nag-aalok ng 15 megabytes kada segundo ng internet speed para sa 36.90 Singapore dollars o P1,312 kada buwan (P87 kada Mbps).
Ang True Internet ng Thailand naman ay mayroong 12 Mbps ng koneksiyon para sa bayad na 799 baht o P1,100 (P92 kada Mbps).
“Kailangan ba naÂting magbayad ng mahal para sa mabagal at kung minsan ay hindi maasaÂhang internet connection? Dapat magbigay ng malinaw na paliwanag ang NTC ukol dito,†giit ng senador.
Idinagdag ng senador na kasama sa imbestigasyon ang paghahanap ng mga paraan kung paano mapapabilis ang internet connection sa bansa, na mahalaga sa paglago ng ekonomiya.
- Latest