‘Daisy’ dinukot ng gurang na suitor
MANILA, Philippines - Marahil hindi matanggap ng matandang lalaki ang ginawang pagbasted sa kanya ng nililigawan na 16-anyos na dalagitang Filipino-Chinese kung kaya’t kanya itong dinukot naganap sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte.
Nakilala ang biktimang si Litlyn Lim, residente ng Brgy. Malinao, Baliguian ng lalawigang ito.
Sa ulat, naganap ang pagdukot sa biktima bandang alas -5:00 ng hapon sa naturang lugar ng suspek na lulan ng kulay dilaw na scooter patungo sa direksyon ng bayan ng Gutalac.
Ang suspek ay natukoy namang si Ferdinand Franco, 55-anyos, crew member ng isang fishing vessel na may markang GMA na umano’y may isang buwan ng nanliligaw sa dalagita.
Bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magawang makauwi ng biktima matapos na umano’y matakasan ang suspek.
Nagsagawa nang pagtugis ang mga otoridad laban sa suspek habang inihahanda na rin ang kasong kriminal.
- Latest